Home » Post Item » Just for laugh
This blog is intended for those with enthusiasm in photography, photo editing, and nothing but laughters.

Just for laugh

Thursday, February 26, 2009

 Here are some thoughts that will make you to … Ohhhh thoughts!

MISTER: wala akong tulog dahil naiisip ko P500K na utang ko kay pare.

MISIS: madali yan! Tawagan mo si pare, sabihin mong hindi ka makakabayad sa utang mo para siya naman ang hindi makatulog!

    ****

 JUDGE: isa ka palang pusher, kidnapper, gun for hire, gambling lord,

swindler at bugaw! Wala ka bang matinong hanapbuhay?

ACCUSED: meron po. Pulis po ako.

    ****

JEEP PASSENGER: manong bayad.

JEEP DRIVER: saan galling?

JEEP PASSENGER: sa akin.

JEEP DRIVER: papunta saan?

JEEP PASSENGER: sayo.

 *****

Babae: Doc, kumusta na ang asawa ko?

Doc: Sorry ma’am. Mula ngayon, ikaw na ang magpapakain at

magpapaligo sa kanya, kasi, putol na ang kanyang mga kamay at paa.

Babae: Hah?! Hin di nga?!?

Doc: Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!

   ****

Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?

Mr: Oo naman.

Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?

Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.

 ***

Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!

Dad: Bakit?

Son: Hin alikan ko po ang seatmate ko.

Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?

Son: Opo, pogi po sya eh.

   ****

Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas!

Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?!

Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis eh.

   ****

Tatay: Asensado na talaga ang anak natin sa US . Ito, nagpadala ng

picture, nakasandal sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.

Nanay: Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na ito, natumba na ako sa sobrang gutom.


Posted by cribbz at 3:51 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment